Hunyo 30, 2010

Bugtongbugtong

1. Aling dahon sa mundo,
ang iginagalang nang tao?

sagot: bandila


2. Isda ko sa Maribeles,
nasa loob ang kaliskis.

sagot: sili


3. Kundi lamang sa bibig ko,
ay nagutom ang barbero.

sagot: gunting


4. May buhay walang hininga,
may kamay walang paa.
Bilog ang porma niya,
may bilang sa mukha niya.

sagot: orasan


5. Hindi tao, hindi hayop,
bumabalik kung itapon.

sagot: yoyo


6. May alaga akong hayop,
malaki ang mata kaysa tuhod.

sagot: tutubi


7. Binili ko nang mahal,
isinabit ko lamang.
 

sagot: hikaw


8. Mga munting insekto lamang sila,
ngunit sa tulungan idolo sila.
Hakot dito, hakot doon,
kahit maliit ay ipon ng ipon.

sagot: langgam


9. Bahay ni Kiko,
walang bintana,
walang pinto.

sagot: itlog


10. Ate ko, ate mo,
ate nang lahat nang tao.

sagot: atis


11. Korona ng hari,
nasa ulo palagi.

sagot: bayabas


12. May ulo, walang tiyan;
may leeg, walang baywang.

sagot: bote


13. Halamang hindi nalalanta,
kahit na putulan pa.

sagot: buhok


14. Bumili ako ng alipin,
mataas pa sa akin.

sagot: sumbrero


15. Kung kailan ko pa iginapos,
saka pa naglibot.

sagot: sapatos


16. Bulaklak muna ang gawin,
bago mo ako kainin.

sagot: saging


17. Mapagabi, mapaaraw
walang tigil ang pagdaldal,
ngunit kapag nakainisan,
atin namang napapatay.

sagot: radyo


18. Nakakahong bahaghari,
ang kulay ay sarisari.

sagot: krayola


19. Dalawang kuweba,
hangin lamang ang pumupunta.

sagot: ilong


20. May lungga akong nalalaman,
iisa lamang ang pintuan,
tatlo naman ang lalabasan.

sagot: damit


21. Binalangkas ko ng binalangkas,
bago ko inihampas.

sagot: turumpo


22. Ang ulo'y nalalaga,
ang katawa'y pagalagala.

sagot: sandok


23. Isang prinsesa,
nakaupo sa tasa.

sagot: kasoy


24. Baston na hindi mahawakan,
sinturong walang paggamitan.

sagot: ahas


25. Kahit hindi tayo magkaanoano,
ang gatas nang anak ko,
ay gatas din anak mo.

sagot: baka


26. Binatak ko ang baging,
bumuka ang tabing.

sagot: payong


27. Gupitin mo ma'y hindi namamatay,
maputol man ay patuloy na nabubuhay.

sagot: kuko


28. Isang reynang maraming mata,
nasa gitna ang mga espada.

sagot: pinya


29. Yamang galing sa ilalim,
kumikinang kahit kulimlim.

sagot: ginto


30. Hindi tao, hindi hayop
puro hangin ang laman ng ulo.

sagot: lobo


31. Nakakalakad ako sa lupa,
nakakalangoy din ako sa sapa,
nakakalipad din ako ng kusa.

sagot: gansa


32. Balat niya'y lunti,
buto niya'y itim,
laman niya'y pula.

sagot: pakwan


33. Tumanda nang nuno,
takot pang maligo.

sagot: pusa


34. Tubig sa ining-ining,
hindi mahipan nang hangin.

sagot: niyog


35. Bola ko sa kisame,
lumiliyab tuwing gabi.

sagot: ilaw


36. Bahay ni Kaka
hindi matingala.
Nasa taas ko na,
hindi ko pa nakita.

sagot: noo


37. Oo nga't pagong,
nasa ilalim ang bubong.

sagot: bangka


38. Mas mahaba kung nakatayo;
mas mataas kung nakaupo.

sagot: aso


39. Tubig na pumapatak sa labis na dusa.
Tubig na dumadaloy sa labis na ligaya.

sagot: luha


40. Lagi siyang kinukwentuhan,
di naman nakikipagsagutan.

sagot: mikropono


41. Bumubuka'y walang bibig,
ngumingiti nang tahimik.

sagot: bulaklak


42. Walang diprensya ang mga paa,
lumpo pa rin sa tuwituwina.

sagot: mesa


43. Maliit pa si Nene,
marunong na manahi.

sagot: gagamba


44. Hindi hari, hindi pari,
magdamit ay sarisari.

sagot: sampayan


45. Hindi tao, hindi hayop,
buto't balat nakalilipad.

sagot: saranggola


9 (na) komento: